ELSA E. UNTALAN
“Muñoz, Muñoz, unang-unang Lungsod Agham, Muñoz, Muñoz, mahal naming Lungsod Agham. Manguna ka, manguna ka sa pambansang kaunlaran.”
Bahagi ng awit ito na nagpapatungkol sa akin . . . ang nag-iisang Lungsod Agham sa Pilipinas, ang Science City of Muñoz (SCM) sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit tinawag akong Science City. Sa iyong kaalaman, pangalawa akong may ganitong titulo sa mundo. Una ang isang lugar sa Japan.
Well, narito ang ilan lamang sa mga patunay kung bakit ako naging Science City. Halos lahat ng institusyong may kinalaman sa Agham at Teknolohiya ay matatagpuan sa akin tulad ng Philippine Rice Research Institute, Philippine Carabao Center, Bureau of Post-Harvest Research and Extension, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Central Luzon State University at marami pang iba na nakatutulong nang malaki sa aking katiwasayan at kaunlaran.
Ang aking “administrative land area” ay 163.05 (km2). Nkalatag dito ang luntian at kulay gintong bukirin. Dito nakapaloob ang mauunlad kong 37 mga barangay.
Ipinagmamalaki ko rin ang mga “facilities” na sadyang abot-kamay lamang ng mga mamamayan ko tulad ng mga banko, telekomunikasyon, sports and recreation, dorms and hostels, parke, postal, medical, at edukasyon.
Higit kong ipinagmamalaki ay ang mga Muñozonian na maka-tao, maka-kalikasan, maka-bansa at higit sa lahat, maka-Diyos.
Sa inyong kaalaman, sa akin din ang Bungkos Palay Performing Arts Foundation. Pangkat pangkultura ito na binubuo ng Childrens Choir, Brass Band, Rondalla at Dance Troupe. Ang pangkat mananayaw ko ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa na rin. Pinarangalan itong Aliw Award Best Cultural Group in the Philippines.
Dahil sa mahusay na pamumuno ng mga opisyales ko ay maraming award na ang ipinagkaloob sa akin. Ilan dito ay ang mga sumusunod: Galing Pook Award – League of Cities of the Philipiines, Cleanest and Greenest Local Government Unit in the Philippines at marami pang iba.
Oh, ano pang ginagawa mo, halika na . . . pasyal na!
“Muñoz, Muñoz, Unang-unang Lungsod Agham!!!”