Pasakay

Ni Mariel Regina Karla D. Corpuz

Ang tulay na siyang umaalalay ay pag-asa rin sa ating buhay.
Naging malaki ang kontribusyon ng salay sa buhay ng mga mag-aaral ng Butay Elementary School.
Bukod sa ito ay malayo, ang tulay na kawayan ay sira na kaya naisipan ng School Head nila na si Pablo Banabal Jr na gumawa ng salay.

Problema

Pero hindi ang tulay ang problema dahil pati ang mga gamit at upuan ng mga bata ang problema.
Gawa nga lang ng mga magulang ang mga upuang pinagtitiisan ngayon ng mga mag-aaral pati na ang mga papel ay pinaghahatian nila.

Sakripisyo

Kaya pati ang estudyante na si Eldito ay tumigil na sa pag-aaral kahit siya ay honor student.
Ngunit talagang gusto niyang tumulong sa kanyang pamilya kaya nagtrabaho siya bilang taga-buhat ng 10 kilong Abaka.
Kaya naman pati ang mga guro ay nag-alay na rin ng panahon sa mga mag-aaral na para sana sa kanyang pamilya.
Tulad ni Jovanie Pangaldin na nagsakripisyo rin, 20 taong gulang ngunit siya ay nasa Grade 9 pa lamang, pero hindi sumusukong makapagtapos ng pag-aaral.
Ngunit ang tulay ay maari ring magdala ng kapahamakan sa kahit sinoman sa mga tumatawid doon.
Dahil kahit sa anong oras ay maaari na itong masira kaya kailangan itong palitan kada-3 buwan upang masiguro ang kaligtasan.
Subalit sa wakas ay nagkaroon na sila ng upuan galing sa Department of Education.
Hindi man ito madali dahil sa maputik at madulas na daan nagvolunteer pa ring sumama ang iba para sa upuan ng mga bata.
Wala man silang kagamitan, magtiis man sila, ayos lang dahil nandyan ang salay.
Cable car o salay ang magigigng sandata nila tungo sa tagumpay.