PAMAMAHALA NG ORAS SA TRABAHO sa ‘NEW NORMAL’
ni Roma Amor M. Marzo
Ang pamamahala ng oras o time management ay isa sa mga pamantayan ng pagiging produktibo sa trabaho o maging sa ibang mga aktibidad na ukol dito. Ito ay natural na kinakaharap ng bawat isa kung kaya’t isang hamon ang pagkakaroon ng pagsasaayos sa ating mga aktibidad sa panahong ito ng new normal dahil sa pandemya at pangunahin rito ang work from home set-up.
Maraming mga bagay ang maaaring isaalang-alang upang epektibo nating maipatupad o maisakatuparan ang pamamahala at pagpapahalaga natin ng oras sa trabaho. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga paraan na maaari nating linangin upang mapagtagumpayan natin ang hamong ito.
1. Maging aktibo sa pamamahala ng iyong kalendaryo.
Ang bagay na ito ay pinakapangunahin sa pagiging organisado. Mahalaga na sa bawat araw ay may nakalaan gagawin at nasa ayos ito base sa schedule. Ito rin ay makatutulong upang mamonitor ang mga aktibidad na isinasagawa at malaman kung anu-ano nga ba ang mga mahahalagang gawin sa partikular na araw; nang sa gayon, malimitahan natin ang mga di kinakailangang mga gawain o non-essential tasks.
2. Iwasang magpabukas-bukas ng mga gawain
. Ang pagbibigay pansin sa itinakdang oras sa trabaho ay isang hakbang upang maging produktibo mga gawain. Kalimitan ay mayroong nakalaan na walong oras para sa trabaho at hindi nga naman sa lahat ng pagkakataon ay ginugugol ang lahat ng oras na ito sa trabaho lamang. Lalo na sa panahon na ito ng new normal, hindi madali para sa lahat ang naging adjustment sa work-from-home na set-up Ang walong oras na ito ay maaaring maikling panahon para sa iba kaya’t nagtatrabaho pa sila sa gabi matapos lang ang gawain. Kaya, mabuting ilaan natin ang
panahon na unahin ang trabahong nakaatang kung kaya itong gawin ngayon, kaysa ipagpabukas pa upang mapamahalaan natin ng tama ang oras natin sa trabaho.
3. Magtrabaho nang may kaligayahan sa puso
Walang trabahong nakakabagot gawin ito’y may kaligayahan sa puso at ay magbigay serbisyo nang may layunin. Maaaring ito ay layuning makapagbigay impormasyon, makapag-aliw, makatulong at marami pang iba. Bawat isa ay may layunin kung bakit isinasagawa ang isang bagay. Sa pagtatrabaho ay gumugugol ng oras, kaya huwag sayangin ang panahong gugugulin sa mahabang panahon nang walang kaligayahan sa mga puso.
4. Magpahinga kung kinakailangan
Mahalang bigyang oras ay sarili,may pahinga sa pagitan ng mga gawain sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon lakas o enerhiya sa pagtatrabaho. Kasama ito sa pamamahala ng oras. Ang pagiging produktibo ay hindi nakabase sa dami ng ginagawa kundi ito ay base sa kung ano ang mga naisagawa o natapos.
Sa katunayan, marami pa ang maaari nating isaalang-alang upang maging epektibo ang pamamahala natin sa oras. Ang mga nabanggit na puntos ay mahalaga at iyo ay pangunahin o simpleng bagay na marahil ay nakakaligtaan o mga bagay na alam na natin pero hindi naisasakatuparan. Isang hamon ito para magkaroon ng aksyon o ipagpatuloy ang mga nasimulan sa tamang pagpapahalaga ng oras sa trabaho, maging sa tradisyunal man o sa new normal na katayuan.