ni Cristoni A. Macaraeg
Ang sarap pumasok na dala ang bag ng motivation para sa trabaho. Ang motivation ay isa sa bagay na kailangan sa trabaho. Ito ang nagtutulak sa bawat empleyado nagampanan ang kanilang mga responsibilidad ng maayos at tama sa oras. Ngunit paano kung sa pagpasok palamang ay tambak na ang trabaho at sinusumpong na ng katamaran? Sinabayan pa ng init ng ulo ng iyong boss dahil sa mga hindi pa na-submit na mga report. Stress di ba? Paano nga ba mapapanatili ang kasiglahan o motivation sa trabaho ng buong araw?
May tatlong (3) easy tips na maaaringgawin kung paano magkaroon at ma-maintain ang baong motivation para sa trabaho.
Tip #1. Create a reminder. Kapag kulang sa motivation ang isipan, mahirap gumalaw at magsimula parang wala kang lakas. Mahirap gumising sa umaga lalo na kung malakas ang ulan, nakakatamad. Kapag stress, boring, takot at depress, nakakawalang gana. Pagsisimula ang pinaka mahalaga sa buong araw ngunit pinakamahirap na sitwasyon. Paanomapagtagumpayan ito? Mag-set ng reminder. Sabi nga nila, “Ang paalala ay gamot sa mga taong nakakalimot.” Magkaron ng madaling palatandaan na hindi mahihindian sa tuwing magsisimula. Hindi naman kailangang laging oras ang reminder sa paggawa. Halimbawa nalamang kung mahilig magkape sa opisina, kapag naubos na ang tinimplang kape, gamitin itong hudyat ng pagsisimula sa trabaho. Mas madali, mas mahihikayat kang magsimula. “A journey of a thousand miles begins with a single step,”ayon kay Lao Tzu. Kahit isip nang isip kung hindi naman kikilos, useless. Mag-set ng reminder at magsimula upang may matapos. Ang motivation ay susunod pagkatapos itong simulan.
Tip #2. Keep moving, make it a habit.Just to share one of the Newton’s Laws of Motion, “Objects in motion tend to stay in motion.” Sa trabaho, kapag nasimulan na,tuloy-tuloy na at mahirap nang ihinto. Upang magawa ito, magsimula and find a reason to keep moving forward. Maaaring ibang tao ang maging motivation. Ngunit minsan bago ang ibang tao maaaring sarili o ang pangarap muna. Ang simpleng pag-ngiti sa salamin at pagmungkahi ng “Kaya natin ‘to self!” can be a form of confidence and motivation.Loving what you are doing is one of the best motivations in work.Magaan at masarap ang feeling na natatapos ang gabundok na trabaho lalo na dahil gusto mo at masaya ka sa ginagawa mo. Gawing rason ang mga ito upangipagpatuloy ang nasimulan na. Gawin ito araw-araw hanggang sa hindi namamalayanghabit na at nagiging parte na ng buhay. Mas bibilis ang trabaho, mas sasaya pa ang boss mo.
Tip #3. Reward yourself.Maliit man o malaki ang achievement at progress sa trabaho, dapat itong i-recognize. Ito ang katunayan na may kakayahang tapusin ang trabaho dahil may motivation. Psychologicalang motivationkaya kailangang iparamdam sa sarili na kaya niya at nananalo siya sa mga walang katapusang hamon sa trabaho. Sa madali’t sabi, kailangan ng reward para sa sarili upang ito ay masiyahan at manabik. Aminin man natin o hindi, ang sarili natin ay naghahanap ng kanyang kasiyahan at pananabik. Ayon sa tinuran ng isangPhilanthropist at naging Presidente ng South Africa na si Nelson Mandela, “Remember to celebrate milestones as you prepare for the road ahead.” Take time to celebrate the progress because there are more to come. I-treat mo ang sarili mo kahit paminsan-minsan. Self-love is a form of motivation. Kapag nagkaroon ng rough days dapat tumbasan din ng maganda pagkatapos.
Simple lang naman ang tatlong tips na ito. Create a reminder; Keep moving, make it a habit; at Reward yourself. Madaling tandaan.
Para ma-maintain ang motivation dapat ang tatlong tips na ito ay umikot. Magsimula sa una, pipihit sa pangalawa at hindi magtatapos sa ikatlo dahil babalik lang ito sa umpisa. Tatanggalin kung ano ang mga bagay na mali sa proseso at ipagpapatuloy ang tama.
Mas magaan ang trabaho kung may motivation ka sa paggawa.