Mag-Aaral Sa Makabagong Panahon

ELSA E. UNTALAN

Batang Millennial, Batang K to 12, Batang Moderno! Ilan lamang ito sa tawag sa mga batang mag-aaral ngayon. Makabago sa isip, sa salita, sa gawa at kilos. Maging sa pananamit ay kitang kita rin ang kaibahan sa nakaraan. Kung gaano kabilis ang takbo ng panahon ay ganoon din sila masiglang umaagapay sa pagbabago. Bihasa ang bawat isa sa paggamit ng mga makabagong kagamitan. May mga gadget na tumutulong sa pang araw-araw na mga gawain. Napagagaan ang mabibigat na trabaho dahil na rin sa mga modernong kasangkapan.

Sadyang napakapalad ng mga mag-aaral ngayon. Kahit na nasa pampublikong paaralan ang mga ito ay para na rin silang pumapasok sa pampribadong paaralan kung ang pag-uusapan ay mga pasilidad. May maayos na silid aralan at magandang kagamitan na nakatutulong nang malaki upang maging kaaya-aya ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Kasama rin sa pagbabago ay ang pagkakaroon ng mga sasakyan, kung hindi motor o tricycle ay “four wheels” pa ang gamit ng iba sa pagpasok at pag-uwi. Sadyang wala nang mahihiling pa ang mga kabataan ngayon.

Kung iisipin, wala ng dahilan upang sila ay maligaw ng landas, wala na ring dahilan na sila ay hindi magbibigay ng suliranin sa mga magulang.

Ngunit sa kabila ng pagsasakrepisyo ng mga magulang ay may mga bata pa ring naliligaw ang landas. Hindi pinahahalagahan ang mabubuting ginagawa ng kanilang mga Ama at Ina.

Ilang kabataan na ba ang naligaw ng landas? Ilang mag-aaral na ba ang nalugmok sa bisyo? At ilang mag-aaral na ba ang hindi nakapagpatuloy sa pag-aaral? Ilan lamang ito sa mga tanong na mahirap malaman ang mga kasagutan.

Marami ang nagpapanukala na muling ibalik ang asignaturang GMRC o Good Moral and Right Conduct na kung saan, tinuturuan ang mga mag-aaral ng kabutihang asal.

Kung ito ay ibabalik sa Department of Education, ang mga kabataan kaya ngayon ay magiging mabuting mag-aaral at mga anak?

Sadyang ang makabagong panahon lamang ang tunay na ma