ni Xyzcherenathaneralei Q. Aliño
Maglakad ka kahit tanghaling tapat ng walang payong, hindi mo mararamdaman ang init ng araw. Kahit ramdam mo ang pagod, hindi mo ito iindahin dahil nasisiyahan ka sa iyong nadadaanan at napagmamasdan. Sariwang hangin ang iyong malalanghap habang ikaw ay naglalakad.
Mararanasan mo ito habang ikaw ay nasa loob ng pamantasan, ang Central Luzon State University (CLSU). Ang CLSU ay binubuo ng lupang may 658 ektaryang sukat na makikita sa Science City of Muñoz sa Nueva Ecija na nadaraanan sa Maharlika National Highway na tatahak ng 150 km mula Maynila.
Ang pamantasang ay nagsimula lamang bilang isang “farm school”. Naitatag noong 1907 sa pangalang Central Luzon Agricultural School (CLAS). Sa pasimula layunin nito ipakilala ang agrikultura at mga pangmekanikong kurso at mga “homemaking arts”.
Sa kasaysayan ang mga mag-aaral ay nagtatanim ng mga halaman, puno at pang-agrikultural na pananim lalo na ang palay at ang pag-aalaga ng hayop. Kumikita ang mga kolehiyong estudyante upang matustusan na rin ang mga pangangailangan nila.
Ang paaralan ay napalitan ng kolehiyo at tinawag itong Central Luzon Agricultural College (CLAC) upang maipagpatuloy pa ang pagtaas ng kalidad ng agrikulturang edukasyon.
Taong 1964, ang kolehiyo ay muling napalitan, at ito ay naging Central Luzon State University (CLSU), isang ganap ng pamantasan.
Sa simula pa lang ng kasaysayan ng pamantasang ito, makikita na ito ay isang komunidad. Ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay may pribilehiyong tumira sa dormitory sa mas murang upa.
Ang mga empleyado naman ng unibersidad ay may pabahay sa kanila. Ito ay nakapangalan sa kanila hanggang sila ay nagsisilbi sa unibersidad.
May sarili din itong istasyon ng kuryente na nagbibigay ng elektrisidad sa buong pamayanan ng unibersidad at sariling “water system” na matatagpuan sa tabi ng CLSU Auditorium.
Mayayabong na puno ang makikita sa malayuan na parang kagubatan, ngunit kung ito ay iyong nakita ng malapitan tatambad sa iyong mga mata ang iba’t-ibang gusali ng kolehiyo at opisina.
Matutunghayan mo rin dito ang isang “athletic oval” na kung saan ay ginagamit ng mga manlalaro sa panahon ng intramurals ng buong pamantasan at maging sa pagdaraos ng State College University Athletic Association (SCUAA) “Athletic Meet.”
Mayroon ding sariling simbahan na kung saan may sariling paring nakatalaga mula sa Missionary of the Sacred Hearth.
Hindi na rin problema ang pamamalengke ng mga pangunahing pangangailangan dahil mayroon ditong “University Old Market.” May mga “eatery” at iba’t ibang business establishment” tulad ng “printing”, “internet cafe”, panaderya at tindahan ng scool supplies”.
Ang “Univesity Auditorium” ay gusali na kung saan ginaganap ang iba’t ibang palabas, di lamang ng mga kolehiyong mag-aaral ng pamantasan kung di pinagdarausan din ng mga “training convention” at palabas ng iba’t-ibang ahensiya di lamang rehiyunal pati ang nasyonal.
Narito rin ang paralang pang hayskul na napili ng Regional Science Training Center (RSTC) ng Rehiyong III bilang sentro ng “Science High School” sa Gitnang Luzon. Ang Central Luzon State University-University Science High School (CLSU-USHS) na nagsimula ring maitatag noong 1976.
Upang makumpleto ang laboratoryo ng “kolehiyo ng pagtuturo “College of Education” . Ang elementarya (Lab.) School ay ay itinatag noong 1970 na ngayon ay DepEd-CLSU Elementary (Lab.) School na kilala din sa Dibisyon ng Science City of Muñoz na nagtataguyodng dekalidad na edukasyon sa elementarya dahil ang paaralang ito ay nangunguna sa mga paligsahan at nakapagpapatapos ng mga mag-aaral na nakapagpapatuloy sa CLSU-USHS.
Ang CLSU Infirmary Hospital ay isang ospital na nagsisilbi di lamang sa mga mag-aaral at empleyado ng pamantasan kundi sa buong siyudad ng Science City of Muñoz at iba pang karatig na bayan. Ito ay may lisensya mula sa Department of Health (DOH) upang mag-operate.
Hindi rin mag-aalala ang sinuman na lilibot sa lugar na ito dahil mayroong itong Hostel na pwedeng tuluyan sa abot kayang halaga.
Wala kang makikitang tiwangwang na lupa dito, makikita mo ang mga lupang pansakahan ang mga tanim ay palay, gulay at iba’t ibang namumungang puno na ang mga produkto nito ay “Income Generarating Project” ng pamantasan.
Masisisyahan ka ring makita ang mga palaisdaan na may mga lamang tilapia kung kaya’t isang produkto ng tilapia ang iyong matitikman ang masarap “Tilapia Ice Cream”.
Kulang ang isang araw upang iyong malibot ang kabuuan ng pamantasan, sapagkat sa bawat hinto mo sa iba’t ibang pasilyo dito nais mo munang sumandaling mamalagi. Punuin ang iyong isip ng mga ala-alang babaunin mo sa iyong paglabas sa lugar na ito.