Distansya Ngayong Pandemya

ni: DIVINA D. VILORIA
Administrative Assistant III

Mayo 23, 2022, ayon sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan, sa kasalukuyan angnaging kaso ng COVID-19 sa bansa ay 3.69 milyon at 60,455 na tao ang namatay.Patuloy pa rin tayong pinahihirapan ng COVID-19 na mapanganib sa kalusugan ngmamamayang Pilipino. Ang Pamahalaan ay gumagawa ng malawakang pagtugon sapangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ngpagbabawal sa paglabas at magpasok sa lugar na may maraming apektado ng sakitdulot ng COVID-19, pagbibigay ng testing kit, at pagbibigay ng tulong sa pagkain.

Ang mga mamamayan naman ay karapat-dapat lamang na makiisa sapanawagan ng pamahalaan na sumunod sa mga health and safety protocol paramaiwasan ang paglaganap ng sakit at magpabakuna para sa pansariling kapanatagan.Sa kasalukuyan sa ating bansa ay may 68.9 porsyento ang nabakunahan ayon sa datosng DOH kaya patuloy tayong magmalasakitan sa isat-isa lalo na ngayong panahon ngkagipitan. Naging mahirap ang sitwasyon sa mga nakalipas na taon, buwan at araw,kaya hindi natin dapat kalimutang tayo ay makiisa, at nasa laylayan ng lipunan angmas mahina ang higit na makararanas ng krisis na ito at sila ang dapat maging sentrong pansin sa panahon na ito ng pandemya. Ayon kay Keith sa artikulong “Reaksyon SaPandemya” na kanyang isinulat noong Oktubre 12, taong 2020, nagsasaad nanapakahalaga ng pagkakaisa sa panahong ito ng pandemya dahil sa pamamagitan nitoay mapapatibay tayo sa paglaban at mapagtagumpayan ang krisis na atingkinakaharap.

Ang panawagan ng mga mamamayan sa pambansa at lokal na pamahalaan aypaigtingin ang sistema para sa pampublikong kalusugan, paglalaan ng pondo, at pagisipang mabuti ang estratehiyang isasagawa para malabanan ang pandemya.

Ang pagpapakita ng ganap at malinaw na plano o umiiral na pamantayan sapagtugon para sa pandemya ay obligasyon ng pamahalaan sa mga mamamayangPilipino. Ang hindi maayos na pangangasiwa sa pamantayan ng “quarantine” aymakakaapekto sa mga mamamayan. Inaasahan ng mga pilipino ang tapat napagmamalasakit sa pagtugon ng pamahalaan upang ag kinakailangang suporta atserbisyo ay maibigay ng tama.

Ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa sakit ay hindi lamang nakasalalaysa iilan. Kailangang magbigay ng agarang aksyon ang pamahalaan para masiguro angmalusog at ligtas na mamamayan. Ayon din kay Keith sa kanyang artikulo na“Reaksyon sa Pandemya” noong Oktubre 2020 ay tunay na nakakatakot angpandemyang ito dahil buhay ang maaaring mawala ngunit higit na nakakatakot isipinna ang mga namumuno ng pamahalaan ay walang tiyak na plano na sasagot sasuliranin ng mamamayan.

Ating ipanalangin ang ating mga manggagamot at mga nars para matugunan angkanilang hiling para sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan atkalusugan na kailangan din nila at ng kanilang pamilya, sana ay mabigyan din sila ngsapat na kagamitan at mapagkukuhanan ng pondo na kailangan nila, katuladhalimbawa ng mga “personal protective equipment (PPE)”, “disinfectants”, at pagkain,upang maisagawa ang mga medikal na aktibidad na inaasahang maisasagawa nila.Ipanalangin natin na maibigay ang tiyak at mabilis na pagpapaabot ng mgapatakaran at tulong pinansiyal sa mga manggagawa, transportasyon, at mgatrabahador na direktang apektado ng pandemya. Agarang pagpapaabot ng tulong napagkain at gamot sa kumunidad na mahihirap at hindi makapaghanapnuhay dahil sabanta ng kalusugan. Sana ay hindi maabuso ang kapangyarihan sa panahong ito.maging mababang loob at magkaroon ng tamang pag-uugali ng mga opisyal ngpamahalaan, na hindi nila unahin ang kanilang sariling kapakanan at sa halip aymabigyan nila ng prayoridad ang ikabubuti ng lahat. Sana ay maging malikhain,malakas ang loob, at patuloy na paggawa ng mga pinuno ng ating pamahalaan sapagresolba sa suliraning ito ng bansa.

Para sa ating kapulisan at militar, ating ipanalangin ang kanilang kalusugan atkaligtasan sa patuloy na paglilingkod sa mga mamamayan. Wastong implementasyonng batas sa kabila ng banta ng sakit, na ang kaligtasan ng mga mamamayang Pilipinoang unang alalahanin sa panahong ito ng pandemya.

Para sa mga lider at may-ari ng negosyo, ipanalangin natin ang kanilangmalasakit para sa mga pamamaraan upang maiwasan ang banta sa kalusugan ngkanilang mga manggagawa. Mabigyan ang mga manggagawa at kanilang pamilya ngtulong pinansiyal sa panahong ito at mangibabaw ang kalinga sa kanilang mga puso.Hindi pangkaraniwan ang pagsubok na hinaharap ngayon ng mundo at hindi itomalulunasan ng tradisyonal na pamamaraan at patuloy itong magiging pasanin sa mgamanggagawa kahit matapos na ang krisis. Ipanalangin natin na magkaroon ang mgamangagagawa ng lakas ng loob upang magpatuloy na harapin ang mga pagsubok naito.

Para sa mamamayang Pilipino, patuloy nating ipanalangin ang kanilangkalusugan. Ang social distancing na ating isinasagawa ay hindi dapat ibig sabihin ngpaglayo sa mga nangangailangan. Hindi dapat umasa na lamang sa mga kabutihangloob ng mga may kaya sa buhay at sa pamahalaan para matugunan angpangangailangan ng mga tao. Ipanalangin natin ang suporta para sa pagsisikap ng mgamamamayan upang makapagbigay ng kinakailangang tulong para sa pangangalagangpangkalusugan, na maaaring hindi agarang maibigay ng pamahalaan.Ang pagsasama-sama ng mga mamamayan sa pagbabantay sa pagtiyak na hindimaisasantabi ang mga nagigipit sa buhay at mga taong mahina habang dumaranas angating bansa ng krisis. Ipanalangin natin ang solusyon sa COVID-19 ay paramaprotektahan ang ating mga sarili. Mainam na makibahagi ang bawat isa sa pagharapsa pandemyang ito. Sa panahon na malampasan natin ang pandemyang ito, nawa’ymaalala ang mga binawing buhay para sa mga bagay na dapat baguhin, maibigay angsuportang kailangan sa pagpapaunlad ng ating buhay, magandang pampublikongkalusugan, pagkain, at sistema ng transportasyon.

Ayon sa sinulat ng simbahang bayan noong Marso 17, 2020 ay dapat na umasaang sambayanan sa kinabukasang wala ng maghihina at ito ay ating malampasan atmapagtagumpayan ang krisis na sama-sama. Pagkatapos ng distansya sa isa’t-isa aybubuo tayo ng kinabukasang matatag at sama-sama sa ating mahal na bansa.. angbansang Pilipinas.

Ref:Reaksyon Sa Pandemya – Ang Pandemyang COVID-19 (Reaksyon) (newsfeed.ph)Ating Panalangin sa Panahon ng COVID-19 (slb.ph)